Jezebel
Malinis, ang anak na babae ni Ethbaal, na hari ng mga Sidonio, at ang asawa ni Achab, na hari sa Israel (1 Hari 16:31). Ito ang “unang pagkakataon na ang isang hari sa Israel ay nakipag-anib sa pamamagitan ng pag-aasawa sa isang paganong prinsesa; at ang pag-aaniba'y sa pagkakataong ito ay tanging nakapipinsala. Itinatak ni Jezabel ang kaniyang pangalan sa kasaysayan bilang kinatawan ng lahat ng mapagbalak, tuso, mapaghangad ng masama, mapaghiganti, at mabagsik. Siya ang unang dakilang nag-udyok ng pag-uusig laban sa mga banal ng Dios. Hindi pinapatnubayan ng anomang simulain, hindi napipigil ng takot maging sa Dios o sa tao, masidhi sa kaniyang pagkakapit sa kaniyang paganong pagsamba, hindi siya nagkulang ng anomang pagsisikap upang panatilihin ang pagsamba sa diosdiosan sa palibot niya sa buong karangyaan nito. Apat na raan at limangpung propeta ang naglingkod sa ilalim ng kaniyang pag-aalaga kay Baal, bukod sa apat na raang propeta ng mga kahoy [R.V. sa Ingles, ‘mga propeta ng Asera’], na nagsisikain sa kaniyang dulang (1 Hari 18:19). Ang pagsamba sa diosdiosan, naman, ay sa lalong hamak at mahalay na uri.” Ang kaniyang asal ay sa maraming dako'y totoong nakapipinsala sa kaharian ng Israel at gayon din ng Juda (21:1-29). Sa wakas ay dumating siya sa isang di-inaasahang kamatayan. Nang si Jehu ay pumasok sa mga pintuang-bayan ng Jezreel, siya'y dumungaw sa durungawan ng palasio, at sinabi, “Kapayapaan ba, ikaw Zimri, ikaw na pumatay sa iyong panginoon?” Siya'y tumingala at tinawag ang kaniyang mga bating, na pagdaka'y inihagis siya mula sa durungawan, na anopa't siya'y nadurog sa lansangan, at niyapakan siya ng kaniyang mga kabayo. Siya'y agad na kinain ng mga aso sa lansangan (2 Hari 9:7-37), ayon sa salita ni Elias na Thisbita (1 Hari 21:19).
Her name afterwards came to be used as the synonym for a wicked woman (Rev. 2: 20).
It may be noted that she is said to have been the grand-aunt of Dido, the founder of Carthage.
Ang paglalarawang ito ay nasa Ingles.
Pamilya
Puno ng angkan
Binabanggit sa
2 Mga Hari 9
Pahayag 2