Ahaziah
Ang anak at kahalili ni Achab. Sinunod niya ang mga payo ng kaniyang inang si Jezabel, at tinularan sa kasamaan ang mga lakad ng kaniyang ama. Sa kaniyang paghahari ay naghimagsik ang mga Moabita laban sa kaniyang kapangyarihan (2 Hari 3:5-7). Nakipisan siya kay Josaphat sa pagtatangkang buhayin muli ang kalakalang-dagat sa Dagat na Mapula, na hindi nagtagumpay (2 Cron. 20:35-37). Ang kaniyang mga sugo, na isinugo upang magusisa sa diyos ng Ecron tungkol sa kaniyang paggaling mula sa bunga ng pagkahulog niya mula sa galeriya sa bubungan ng kaniyang palasyo, ay sinalubong sa daan ni Elias, na nagpabalik sa kanila upang sabihin sa hari na hindi na siya babangon pa sa kaniyang higaan (1 Hari 22:51; 2 Hari 1:18).
Pamilya
Puno ng angkan
Mga pangyayari
- 897 BCReign of Ahaziah
Binabanggit sa
1 Mga Hari 22
2 Mga Hari 1
2 Mga Cronica 20