Mga Awit 62
1 Sa Diyos lamang ako naghihintay nang tahimik; magmumula sa kaniya ang aking kaligtasan.
2 Siya lamang ang aking muog at aking kaligtasan; siya ang aking mataas na tore; ako ay hindi matitinag.
3 Hanggang kailan kayong lahat sasalakay sa isang tao, para pabagsakin siya tulad ng isang pader o isang maugang bakuran?
4 Sumasangguni sila sa kaniya para ibagsak siya mula sa kaniyang marangal na posisyon; mahilig silang magsabi ng mga kasinungalingan; siya ay pinagpapala nila sa kanilang mga bibig, pero sa kanilang mga puso siya ay kanilang isinusumpa. Selah
5 Naghihintay ako nang tahimik para lamang sa Diyos; dahil nakatuon ang aking pag-asa sa kaniya.
6 Siya lamang ang aking muog at kaligtasan; siya ang aking mataas na tore; ako ay hindi matitinag.
7 Sa Diyos ang aking kaligtasan at kaluwalhatian; nasa Diyos ang saligan ng aking kalakasan at kanlungan.
8 Magtiwala kayo sa kaniya sa lahat ng oras, kayong mga tao; ibuhos ninyo ang inyong puso sa kaniyang harapan; kanlungan natin ang Diyos. Selah
9 Tunay na walang kabuluhan ang mga lalaking mahina ang katayuan, at kasinungalingan ang mga lalaking mataas ang katayuan; magaan silang tinimbang sa sukatan; pareho silang tinimbang, sila ay magaan kaysa sa wala.
10 Huwag kang magtitiwala sa pang-aapi o pagnanakaw; at huwag umasa sa walang kabuluhan na mga kayamanan, dahil wala itong maibubunga; huwag mong itutuon ang iyong puso sa mga ito.
11 Minsang nagsalita ang Diyos, dalawang beses kong narinig ang mga ito: sa Diyos nauukol ang kapangyarihan.
12 Gayundin sa inyo, Panginoon, nauukol ang katapatan sa tipan, dahil binabayaran mo ang bawat tao kung ano ang kaniyang ginawa.
Mga kaugnay na talata
96
- 1Lam 3:25, Psa 62:2, Psa 37:7, Psa 33:20, Isa 40:31, Isa 12:2, Jas 5:7, Psa 40:1
- 2Psa 18:2, 2Co 4:8–9, Psa 62:6, Isa 26:4, Isa 32:2, Psa 89:26, Psa 73:25–26, Psa 27:1
- 3Jer 4:14, Psa 82:2, Psa 140:2, Pro 1:22, Exo 16:28, Psa 21:11, Psa 38:12, Isa 30:13–14
- 4Psa 55:21, Psa 28:3, Psa 5:9, Rom 7:22, Rom 1:32, Rev 22:15, Jhn 11:47–50, Jhn 8:44
- 5Mic 7:7, Psa 27:13–14, Lam 3:24–26, Psa 42:11, Psa 71:5, Psa 103:1–2, Jhn 6:67–69, Psa 104:35
- 6Psa 112:6, Psa 62:2, Psa 16:8, Pro 10:30, Psa 18:31–32, Isa 45:17, Hos 1:7, Pro 12:7
- 7Psa 3:3, Isa 26:4, Psa 94:22, Psa 18:2, Jer 3:23, Psa 95:1, Psa 46:1, Jer 9:23–24
- 8Php 4:6, Isa 26:4, Lam 2:19, Psa 142:2, 1Sa 1:15, Psa 18:2, Psa 22:4–5, Psa 42:4
- 9Psa 39:5, Isa 40:15, Isa 40:17, Psa 118:9, Psa 39:11, 2Sa 15:31, Rom 3:4, 1Sa 23:12
- 101Ti 6:17, Psa 52:7, Jer 17:11, Isa 61:8, 1Ti 6:10, Deu 6:10–12, Job 31:24–25, Job 20:19
- 11Rev 19:1, Job 33:14, Isa 26:4, Psa 68:34–35, Job 40:5, Jhn 19:11, Mat 28:18, Mat 6:13
- 12Mat 16:27, Job 34:11, Psa 103:8, Rom 2:6, 2Co 5:10, Exo 34:6–7, Pro 24:12, Psa 86:15