Mga Awit 104
1 Pupurihin ko si Yahweh nang buong buhay ko, Yahweh aking Diyos, lubhang kahanga-hanga ka; dinadamitan ka ng kaningningan at kamahalan.
2 Nilulukuban mo ang iyong sarili ng liwanag gaya ng isang damit; inilalatag mo ang kalangitan na parang isang kurtina ng tolda.
3 Nilalagay mo ang mga biga ng iyong mga silid sa ibabaw ng mga ulap; ginagawa mong sariling karwahe ang mga ulap; lumalakad ka sa ibabaw ng mga pakpak ng hangin.
4 Ginagawa niyang mensahero niya ang mga hangin, mga liyab ng apoy ay kanyang mga lingkod.
5 Inilagay niya ang mga pundasyon ng daigdig, at hindi ito kailanman matitinag.
6 Binalot mo ang daigdig ng tubig tulad ng isang damit; binalot ng tubig ang mga bundok.
7 Ang pagsusuway mo ang nagpaurong ng mga tubig; sa tunog ng iyong dumadagundong na tinig, sila ay lumayo.
8 Lumitaw ang mga bundok, lumatag ang mga lambak sa mga lugar na itinalaga mo sa kanila.
9 Nagtakda ka ng isang hangganan para sa kanila na hindi nila tatawirin; hindi na nila muling babalutin ang daigdig.
10 Pinadaloy niya ang mga bukal sa mga lambak; Dumadaloy ang mga batis sa pagitan ng mga bundok.
11 Nagdadala sila ng tubig para sa lahat ng mga hayop sa bukid; napapawi ang pagkauhaw ng mga maiilap na asno.
12 Sa may tabing-ilog, ginagawa ng mga ibon ang kanilang mga pugad; umaawit sila sa mga sanga.
13 Dinidiligan niya ang mga bundok mula sa kanyang mga silid ng tubig sa kalangitan. Napupuno ang daigdig ng bunga ng kanyang mga gawain.
14 Pinapatubo niya ang damo para sa mga baka at mga halaman para linangin ng tao nang sa gayon ay makapag-ani ang tao ng pagkain mula sa lupa.
15 Gumagawa siya ng alak para pasayahin ang tao, langis para magliwanag ang kanyang mukha, at pagkain para magpatuloy ang kanyang buhay.
16 Nadidiligan nang mabuti ang mga puno ni Yahweh; itinanim niya ang mga sedar ng Lebanon.
17 Doon ginagawa ng mga ibon ang kanilang mga pugad. Ginagawang tahanan ng tagak ang puno ng pir.
18 Naninirahan sa matataas na bundok ang mababangis na kambing; ang kaitaasan ng bundok ay isang kanlungan para sa mga kuneho.
19 Itinalaga niya ang buwan bilang tanda ng mga panahon; alam ng araw ang oras ng kanyang paglubog.
20 Ginawa mo ang kadiliman ng gabi kung kailan lahat ng mga hayop sa gubat ay lumalabas.
21 Umuungol ang mga batang leon para sa kanilang huli at naghahanap sila ng pagkain mula sa Diyos.
22 Sa pagsikat ng araw, bumabalik at natutulog sila sa kanilang mga lungga.
23 Samantala, nagtatrabaho ang mga tao at gumagawa hanggang gabi.
24 Yahweh, kayrami at iba't iba ang iyong mga gawa! Ginawa mo ang lahat ng mga iyon nang may karunungan; umaapaw ang daigdig sa mga gawa mo.
25 Banda roon ay ang dagat, malalim at malawak, punong-puno ng hindi mabilang na mga nilalang, kapwa maliit at malaki.
26 Naglalakbay doon ang mga barko, at naroroon din si Leviatan, na hinubog mo para maglaro sa dagat.
27 Ang lahat ng mga ito ay tumitingin sa iyo para bigyan sila ng pagkain sa tamang oras.
28 Kapag nagbibigay ka sa kanila, sila ay nagtitipon; kapag binubuksan mo ang iyong palad, sila ay nasisiyahan.
29 Kapag itinatago mo ang iyong mukha, sila ay nababagabag; kapag nilalagot mo ang kanilang hininga, sila ay namamatay at nauuwi sa alabok.
30 Kapag ipinapadala mo ang iyong Espiritu, sila ay nalilikha, at pinapanumbalik mo ang kanayunan.
31 Nawa manatili magpakailanman ang kaluwalhatian ni Yahweh; masiyahan nawa si Yahweh sa kanyang nilikha.
32 Pinagmamasdan niya ang daigdig, at ito ay nayayanig; hinahawakan niya ang kabundukan, at ang mga iyon ay umuusok.
33 Aawit ako kay Yahweh ng buong buhay ko; aawit ako ng papuri sa aking Diyos habang ako ay nabubuhay.
34 Nawa maging matamis ang aking mga isipan sa kanya; magagalak ako kay Yahweh.
35 Mawala nawa ang mga makasalanan mula sa daigdig, at ang mga masasama ay maglaho. Nagbibigay ako ng papuri kay Yahweh ng buong buhay ko. Purihin si Yahweh.
Mga kaugnay na talata
226
- 1Psa 145:3, Psa 103:22, Psa 96:6, Psa 103:1–2, Psa 93:1, Isa 59:17, Dan 9:4, Psa 104:35
- 2Isa 40:22, Isa 45:12, Dan 7:9, 1Jn 1:5, Mat 17:2, 1Ti 6:16, Heb 1:10–12, Zec 12:1
- 3Amo 9:6, 2Sa 22:11, Isa 19:1, Psa 18:10–11, Nam 1:3, Psa 139:9, Rev 1:7, Mat 26:64
- 4Heb 1:7, 2Ki 2:11, 2Ki 6:17, Heb 1:14, Psa 148:8, Ezk 1:13, Act 23:8
- 5Job 26:7, Psa 24:2, Psa 33:9, Psa 96:10, Rev 20:11, Psa 136:6, Ecc 1:4, Psa 93:1
- 6Gen 7:19, 2Pe 3:5, Gen 1:2–10
- 7Psa 18:15, Gen 8:1, Mrk 4:39, Psa 106:9, Pro 8:28, Psa 114:3–7, Psa 77:18
- 8Gen 8:5, Psa 33:7
- 9Job 38:10–11, Gen 9:11–15, Isa 54:9, Jer 5:22, Job 26:10, Psa 33:7
- 10Isa 41:18, Psa 107:35, Isa 35:7, Deu 8:7
- 11Psa 145:16, Job 39:5–8, Psa 104:13
- 12Psa 50:11, Psa 148:10, Mat 8:20, Psa 104:16–17, Psa 84:3, Mat 6:26, Psa 147:9
- 13Psa 147:8, Jer 10:13, Jer 14:22, Deu 11:11, Job 38:37, Job 38:25–28, Psa 65:9–13, Amo 9:6
- 14Psa 136:25, Psa 147:8–9, Psa 145:15–16, Job 28:5, Gen 9:3, 1Co 3:7, Gen 1:11–12, Gen 3:18
- 15Psa 23:5, Ecc 9:7, Ecc 10:19, Jdg 9:13, Psa 92:10, Eph 5:18, Heb 1:9, Zec 9:15–17
- 16Num 24:6, Psa 92:2, Psa 29:5, Ezk 17:23
- 17Psa 104:12, Lev 11:19, Mat 13:32, Jer 8:7, Ezk 31:6, Oba 1:4, Jer 22:23, Dan 4:21
- 18Pro 30:26, Job 39:1, Lev 11:5, 1Sa 24:2, Deu 14:7
- 19Gen 1:14–18, Jer 31:35, Psa 136:7–9, Job 38:12, Psa 8:3, Psa 19:6, Job 31:26–28, Deu 4:19
- 20Isa 45:7, Psa 74:16, Gen 1:4–5, Psa 50:10, Gen 8:22, Psa 139:10–12, Amo 1:13
- 21Job 38:39, Jol 1:20, Psa 34:10, Jol 2:22, Ezk 19:2–14, Amo 3:4, Job 38:41, Psa 147:9
- 22Job 37:8, Jhn 3:20, Job 24:13–17, Nam 3:17
- 23Gen 3:19, Ecc 5:12, Eph 4:28, Jdg 19:16, 2Th 3:8–12
- 24Jer 10:12, Psa 40:5, Psa 50:10–12, Rom 11:33, Eph 3:10, Psa 107:31, Gen 1:24–25, Psa 24:1
- 25Psa 69:34, Psa 95:4–5, Gen 1:28, Act 28:5, Gen 3:1, Deu 33:14–16, Gen 1:20–22, Deu 33:19
- 26Psa 107:23, Psa 74:14, Isa 27:1, Gen 49:13, Ezk 27:9, Job 41:1–34, Job 3:8
- 27Psa 136:25, Psa 147:9, Luk 12:24–28, Job 38:41, Psa 145:15–16, Job 36:31, Psa 36:6
- 28Psa 145:16
- 29Job 34:14–15, Ecc 12:7, Psa 146:4, Psa 90:3, Psa 30:7, Act 17:25, Gen 3:19, Job 10:9
- 30Job 33:4, Ezk 37:9, Rev 21:5, Psa 33:6, Job 26:13, Isa 65:17, Tit 3:5, Eph 2:1
- 31Gen 1:31, 2Ti 4:18, Jer 32:41, Eph 3:21, Rom 11:36, Luk 15:5–6, Rev 5:12–13, Zep 3:17
- 32Psa 144:5, Exo 19:18, Psa 97:4–5, Hab 3:10, Psa 114:7, Psa 77:16, Jer 5:22, Amo 8:8
- 33Psa 63:4, Psa 146:2, Psa 145:1–2
- 34Hab 3:17–18, Php 4:4, Psa 1:2, Psa 119:127–128, Psa 119:15–16, Luk 1:47, Psa 9:2, Psa 119:111
- 35Psa 103:22–104:1, Pro 2:22, Psa 37:38, Psa 68:1–2, Rev 19:1–2, Psa 106:48, Psa 105:45, Psa 1:4
Mga paksa sa kabanatang ito
39
Angel (A Spirit), Animals, Anointing, Ass (Donkey), Birds, Blessing, Chariot, Continents, Corruption, Creeping Things, Death, Earth, Earthquakes, Fire, Food, Geology, Glory, Goat, God, Joy, Lebanon, Leviathan, Life, Meditation, Meteorology and Celestial Phenomena, Moon, Music, Power, Praise, Psalms, Quotations and Allusions, Readings, Select, Seasons, Stork, Thankfulness, Volcanoes, Waiting, Wicked (People), Wine