MEGA.Bible Maghanap
Tagalog

The Decree of Cyrus

Banal na Bibliya (Tagalog ULB)

2Ch 36:22–23

  1. 22 Ngayon sa unang taon ni Ciro, ang hari ng Persia, upang maganap ang salita ni Yahweh sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias, inudyukan ni Yahweh ang espiritu ni Ciro, ang hari ng Persia, kaya gumawa siya ng pahayag sa lahat ng kaniyang kaharian at isinulat din ang mga ito. Sinabi niya,
  2. 23 “Ito ang sinabi ni Ciro, ang hari ng Persia: Ibinigay sa akin ni Yahweh na Diyos ng langit ang lahat ng kaharian sa mundo. Inutusan niya ako na magtayo ng isang tahanan para sa kaniya sa Jerusalem, na nasa Juda. Kung sino man sa inyo ang kabilang sa kaniyang mga tao, nawa si Yahweh na inyong Diyos ay sumainyo. Pinahihintulutan kitang pumunta sa lupain.”

Ezr 1:1–4

  1. 1 Noong unang taon ni Ciro, hari ng Persia, tinupad ni Yahweh ang kaniyang salita na dumating mula sa bibig ni Jeremias at inudyukan ang espiritu ni Ciro. Ang tinig ni Ciro ay narinig sa kaniyang buong kaharian. Ito ang nasusulat at nasabi:
  2. 2 Sabi ni Ciro, hari ng Persia: Ibinigay sa akin ni Yahweh, ang Diyos ng Langit, ang lahat ng mga kaharian sa daigdig, at itinalaga niya ako na magtayo ng isang templo para sa kaniya sa Jerusalem na nasa Judea.
  3. 3 Sinuman sa inyo na nagmula sa kaniyang mga tao, sumainyo nawa ang kaniyang Diyos, para kayo ay umakyat sa Jerusalem at magtayo ng templo para kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, na siyang Diyos ng Jerusalem.
  4. 4 Ang mga tao saanmang bahagi ng kaharian kung saan naninirahan ang mga nakaligtas sa lupaing iyon ay dapat magbigay sa kanila ng pilak at ginto, mga ari-arian at mga hayop, gayundin ang kusang-kaloob na handog para sa templo ng Diyos sa Jerusalem.