MEGA.Bible Maghanap
Tagalog

The Cursing of the Fig Tree

Banal na Bibliya (Tagalog ULB)

Mat 21:18–22

  1. 18 Kinaumagahan nang pabalik na si Jesus sa lungsod, nagutom siya.
  2. 19 Nakakita siya ng puno ng igos sa tabi ng daan. Pinuntahan niya ito, subalit wala siyang nakitang bunga kundi mga dahon lamang. At sinabihan niya ito, “Hindi ka na magbubunga mula ngayon at magpakailan man.” Kaagad-agad ang puno ng igos ay natuyo.
  3. 20 At nang makita ito ng kaniyang mga alagad, namangha sila at sinabi, “Paanong ang puno ng igos ay kaagad-agad na natuyo?”
  4. 21 Sumagot at sinabi ni Jesus sa kanila, “Totoo itong sinasabi ko sa inyo, kung kayo ay may pananampalataya at hindi mag-alinlangan, hindi lang ninyo magagawa kung ano ang nangyari sa puno ng igos, maaari ninyo ring sabihin sa burol na ito, 'Maiangat ka at maihagis sa dagat,' at ito ay magaganap.
  5. 22 Lahat ng hihilingin ninyo sa panalangin na may paniniwala, matatanggap ninyo.”

Mrk 11:12–14

  1. 12 Kinabukasan, sa kanilang pagbabalik mula sa Bethania, nagutom siya.
  2. 13 At nang nakakita siya sa malayo ng puno ng igos na may mga dahon, pumunta siya upang tingnan kung mayroon ba siyang makukuha rito. At pagkarating niya doon, wala siyang nakita kung hindi puro dahon, dahil hindi pa panahon ng mga igos.
  3. 14 Kinausap niya ito, “Wala ng makakakain muli ng bunga mula sa iyo.” At narinig ito ng kaniyang mga alagad.