MEGA.Bible Maghanap
Tagalog

Choosing the Twelve Apostles

Banal na Bibliya (Tagalog ULB)

Mat 10:1–4

  1. 1 Tinawag ni Jesus ang kaniyang labindalawang alagad nang magkakasama at binigyan sila ng kapangyarihan laban sa mga masasamang espiritu, upang palayasin ang mga ito, at upang pagalingin ang lahat ng uri ng karamdaman at lahat ng uri ng sakit.
  2. 2 Ngayon ito ang mga pangalan ng labindalawang apostol: Ang una, si Simon (na siya ring tinatawag niyang Pedro), at si Andres na kaniyang kapatid; si Santiago na anak ni Zebedeo, at si Juan na kaniyang kapatid;
  3. 3 si Felipe, at si Bartolome; si Tomas, at si Mateo na maniningil ng buwis; si Santiago na anak ni Alpeo, at si Tadeo;
  4. 4 si Simon na Makabayan, at si Judas Escariote na siyang magkakanulo sa kaniya.

Mrk 3:13–19

  1. 13 Umakyat siya sa bundok at tinawag niya ang mga gusto niya at pumunta sila sa kaniya.
  2. 14 Itinalaga niya ang Labindalawa (na tinawag niyang mga apostol) para sila ay makasama niya at maaari niya silang isugo upang mangaral,
  3. 15 at upang magkaroon sila ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo.
  4. 16 Itinalaga niya ang Labindalawang apostol: Si Simon na pinangalanan niyang Pedro,
  5. 17 si Santiago na anak ni Zebedeo, si Juan na kapatid ni Santiago, na mga pinangalanan niyang Boanerges na ang ibig sabihin ay mga anak ng kulog,
  6. 18 at sila Andres, Felipe, Bartolomeo, Mateo, Tomas, Santiago na anak ni Alfeo, Tadeo, Simon na makabayan,
  7. 19 at si Judas Iskaryote, na magkakanulo sa kaniya.

Luk 6:12–16

  1. 12 Nangyari sa mga araw na iyon na siya ay pumunta sa bundok upang manalangin. Siya ay patuloy na nanalangin sa Diyos ng buong gabi.
  2. 13 Kinaumagahan, tinawag niya ang kaniyang mga alagad at pumili siya sa kanila ng labindalawa, na tinawag din niyang “mga apostol.”
  3. 14 Ang pangalan ng mga apostol ay sina Simon (na kaniya ring pinangalanang Pedro) at ang kaniyang kapatid na si Andres, Santiago, Juan, Felipe, Bartolome,
  4. 15 Mateo, Tomas, Santiago na anak ni Alfeo, Simon na tinawag na Masigasig,
  5. 16 Judas na anak ni Santiago at Judas Iscariote na siyang naging taksil.