Mga Awit 121
1 Itataas ko ang aking mga mata sa mga bundok. Mula saan manggagaling ang aking saklolo?
2 Ang saklolo sa akin ay nanggagaling kay Yahweh, na gumawa ng langit at lupa.
3 Hindi niya papayagang madulas ang paa mo; siya na nag-iingat sa iyo ay hindi iidlip.
4 Tingnan mo, ang tagapangalaga ng Israel ay hindi kailanman iidlip o matutulog.
5 Tagapangalaga ninyo si Yahweh; si Yahweh ay lilim sa inyong kanang kamay.
6 Hindi ka masasaktan ng araw sa umaga, ni ng buwan sa gabi.
7 Iingatan ka ni Yahweh sa lahat ng kapahamakan, at iingatan niya ang iyong buhay.
8 Iingatan ni Yahweh ang lahat ng iyong ginagawa ngayon at magpakailanman.
Mga kaugnay na talata
59
- 1Psa 120:1, Psa 123:1, Jer 3:23, Isa 2:3, Psa 2:6, Psa 87:1, Psa 68:15–16, Psa 78:68
- 2Isa 41:13, Psa 124:8, Heb 13:6, Isa 40:28–29, Psa 146:5–6, Psa 46:1, Psa 115:15, Jer 20:11
- 3Pro 3:26, Pro 3:23, 1Sa 2:9, Psa 91:12, Psa 66:9, Isa 27:3, Psa 127:1, 1Pe 1:5
- 4Psa 127:1, Isa 27:3, Psa 32:7–8, Ecc 8:16, 1Ki 18:27, Psa 27:1, Rev 7:15
- 5Isa 25:4, Psa 91:1, Exo 13:21, Psa 16:8, Isa 4:5–6, Psa 109:31, Isa 32:2, Mat 23:37
- 6Rev 7:16, Isa 49:10, Psa 91:5–10, Jon 4:8
- 72Ti 4:18, Psa 91:9–12, Psa 41:2, Pro 12:21, Psa 145:20, Job 5:19–27, Rom 8:35–39, Psa 34:22
- 8Deu 28:6, Pro 2:8, Pro 3:6, Psa 113:2, Ezr 8:31, Psa 115:18, Jas 4:13–16, Ezr 8:21