Mga Awit 87
1 Ang lungsod ng Panginoon ay naitatag sa banal na mga kabundukan.
2 Mas minamahal ni Yahweh ang mga tarangkahan ng Sion kaysa sa lahat ng mga tolda ni Jacob.
3 Mga maluwalhating bagay ay sinabi sa iyo, lungsod ng Diyos. Selah
4 Binanggit ko ang Rahab at Babilonia sa mga tagasunod ko. Masdan ninyo, may Filistia, at Tiro, kasama ang Etiopia. Ang isang ito ay ipinanganak doon.
5 Sa Sion ay sasabihin ito, “Bawat isa rito ay ipinanganak sa kaniya; at ang Kataas-taasan mismo ang magtatatag sa kaniya.”
6 Tinatandaan ni Yahweh habang inililista niya ang mga tao, “Ang isang ito ay ipinanganak doon.” Selah
7 Kaya sinasabi ng mang-aawit at mananayaw, “Ang lahat ng aking bukal ng tubig ay nasa iyo.”
Mga kaugnay na talata
54
- 1Isa 56:7, Isa 28:16, Eph 2:20–22, Mat 16:18, Isa 2:2–3, Psa 48:1–2, 1Co 3:10–11, Zec 8:3
- 2Psa 132:13–14, Deu 12:5, Psa 78:67–69, Jol 2:32, 2Ch 6:6, Isa 14:32
- 3Ezk 37:27–28, Ezk 36:11–38, Psa 48:2–3, Rev 21:10–27, Rev 14:1, Heb 12:22–23, Jer 31:12–13, Isa 59:20–60:22
- 4Psa 45:12, Isa 19:23–25, Psa 68:31, Psa 89:10, Job 9:13, Dan 2:47–48, Rev 18:2, Rev 17:5
- 5Rom 8:31, Gal 3:26–28, 1Pe 1:23–24, Jhn 1:12–14, Ezk 48:35, Isa 60:1–9, Heb 11:32–12:2, Isa 44:4–5
- 6Isa 4:3, Luk 10:20, Rev 20:15, Ezk 13:9, Php 4:3, Psa 69:28, Psa 22:30, Rev 13:8
- 7Psa 36:9, Jhn 1:16, Rev 22:17, Isa 12:3, Jhn 4:14, Rev 21:6, Rev 22:1, 1Ch 23:5