Geshem
O Gasmu, katatagan, malamang na pinuno ng mga Arabe sa timog ng Palestina, isa sa mga kaaway ng mga Judio pagkatapos ng pagbabalik mula sa Babilonia (Neh. 2:19; 6:1, 2). Nakiisa siya kina Sanballat at Tobias sa pagsalungat sa muling pagtatayo ng kuta ng Jerusalem.