The Baptism of Jesus
Banal na Bibliya (Tagalog ULB)
Mat 3:13–17
- 13 Pagkatapos ay dumating si Jesus sa Ilog ng Jordan mula Galilea upang magpabautismo kay Juan.
- 14 Ngunit pinigilan siya ni Juan at nagsasabi, “Ako ang dapat mong bautismuhan? Bakit ka lumalapit sa akin?”
- 15 Tumugon si Jesus at sinabi sa kaniya, “Pahintulutan mo ito ngayon sapagkat ito ang nararapat upang matupad natin ang lahat ng katuwiran.” Kaya pinahintulutan siya ni Juan.
- 16 Pagkatapos niyang mabautismuhan, agad umahon si Jesus sa tubig, at masdan ito, bumukas ang mga langit sa kaniya. Nakita niya ang pagbaba ng Espiritu ng Diyos na parang kalapati na dumapo sa kaniya.
- 17 Masdan ito, may isang tinig na mula sa mga langit na nagsasabi, “Ito ang pinakamamahal kong Anak. Lubos akong nalulugod sa kaniya.”
Mrk 1:9–11
- 9 Nangyari sa mga araw na iyon na si Jesus ay dumating mula sa Nazaret sa Galilea at siya ay binautismuhan ni Juan sa ilog ng Jordan.
- 10 Nang si Jesus ay umahon sa tubig, nakita niya na bumukas ang langit at ang Espiritu ay bumaba sa kaniya na tulad ng kalapati.
- 11 At isang tinig ang nagmula sa langit, “Ikaw ang minamahal kong Anak. Ako ay labis na nalulugod sa iyo.”
Luk 3:21–22
- 21 At nangyari ngang habang ang lahat ng tao ay binabautismuhan, si Jesus ay nabautismuhan din. Habang siya ay nananalangin, ang kalangitan ay bumukas.
- 22 Ang Banal na Espiritu ay bumaba sa kaniya na may anyo na gaya ng kalapati, habang may isang tinig ang nanggaling sa langit, “Ikaw ang aking minamahal na Anak. Lubos akong nalulugod sa Iyo.”