MEGA.Bible Maghanap
Tagalog

David Anointed King over Israel

Banal na Bibliya (Tagalog ULB)

2Sa 5:1–5

  1. 1 Pagkatapos pumunta ang lahat ng lipi ng Israel kay David sa Hebron at sinabi, “Tingnan mo, kami ay iyong laman at buto.
  2. 2 Sa nakaraang panahon, nang si Saul pa ang hari sa ating lahat, ikaw itong nangunguna sa hukbo ng Israelita. Sinabi ni Yahweh sa iyo, 'Magiging pastol ka ng aking bayan ng Israel, at magiging pinuno ka ng buong Israel.'''
  3. 3 Kaya dumating ang lahat na nakatatanda ng Israel sa hari ng Hebron, at gumawa si Haring David ng isang kasunduan sa kanila sa harapan ni Yahweh. Hinirang nila si David na maging hari ng buong Israel.
  4. 4 Tatlumpung taong gulang si David nang nagsimula siyang maghari, at naghari siya ng apatnapung taon.
  5. 5 Sa Hebron naghari siya sa buong Juda ng pitong taon at anim na buwan, at sa Jerusalem naghari siya ng tatlumpu't tatlong taon sa buong Israel at Juda.

1Ch 11:1–3

  1. 1 At nagpunta ang lahat ng Israelita kay David sa Hebron at sinabi, “Tingnan mo, kami ay iyong laman at dugo.
  2. 2 Sa nakalipas na panahon nang naghari si Saul sa atin, ikaw ang nanguna sa mga hukbong Israelita. Sinabi sa iyo ni Yahweh na iyong Diyos, 'Ikaw ang mangangalaga sa aking bayang Israel at ikaw ang mamumuno sa aking bayang Israel.'”
  3. 3 Kaya lahat ng mga matatanda ng Israel ay pumunta sa hari sa Hebron at gumawa si David ng kasunduan sa kanila sa harap ni Yahweh. Binuhusan nila ng langis si David na hari ng buong Israel. Sa ganitong paraang natupad ang salita ni Yahweh na ipinahayag ni Samuel.